6 letters I have in mind about LIFE, G.O.O.G.L.E

Go On Over Girls Lool Existence

ang liham…

Mahal kong Itay at Inay,

Medyo binagalan kong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kayong magbasa. Nandito na kami sa America at nakatira sa bagong bili na bahay pero hindi  ko  maibibigay sa iyo ang address at telopono dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address at phone number.

Maganda ang lugar na ito at hindi naman kalayuan sa San Francisco. Dalawang beses ang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw  naman nung  pangalawa. Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad na nabili kong shampoo dahil ayaw bumula.  Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa  ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at  magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock.  Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay ayaw pa din bumubukas.

Magrereklamo din ako dun sa nagbenta ng bahay, akala  nila ay hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL. Medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating diyan.

Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.

Ang kapatid ko nga palang si Berting ay may trabaho na dito. Mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya.  Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park. Okey  naman ang kita, above minimum ang sahod.

Yung pinsan kong si Susie nagkita kami sa downtown kagabi. Abot ang pustura at make-up. GRO daw siya ng isang malaking resort-hotel. Pang night shift daw siya at malaki  ang kita niya. Buti pa siya sabi niya,  pahiga-higa lang may pera na. Libre tulog pa sa hotel.

Wala na akong masyadong balita. Susulat na lang ako ng madalas.

Love,

Badong

P.S.  Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.
Next time na lang ha?

Advertisements

2 Comments»

  Bulong Sa Hangin wrote @

Natawa ako! 😛

  matsocampo wrote @

😉 ;D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: