6 letters I have in mind about LIFE, G.O.O.G.L.E

Go On Over Girls Lool Existence

Buhay lalaki

Coming from a family where all men were born as our SUPERIOR… Men who acts like GOD. Men who makes the rules and as woman under them we’re all born in this world to FOLLOW and should not falter from whatever they could feed our thoughts.

Being a woman isn’t easy. I myself do have a hard time most of the times. Dumarating na lang ang isang araw na, parang minsan gusto mo na lang magpakalayu-layo at wag ng bumalik because of some stupid rules! All my life, I live by the rule of my father. Minsan, pakiramdam ko nakatuntong ako sa numero – na lahat ng kilos ko ay kailangang isulat at laging ipapamukha sa akin kung saka-sakaling may nagawa akong di tama. In my own perception, PEOPLE NEED NOT TO RUB IT ON MY FACE!

NOW. Lumaki ako na halos puro lalaki ang kinagisnan ko. Di ko man nakasamang matagal ang tatay ko, marami naman ang nagmahal pa sa akin na tinumbasan ang kayang ibigay na pagmamahal ng daddy ko. Lolo ko, Tito ko, mga pinsan ko, mga kaibigan at barkada nila at mga kaibigan ko. Kaya naman minsan, lahat ng kilos nila ay di na bago sa’kin.

To start my story… I got into this conversation with my friends Jan and Shan (both guys). Tamang tambay sila nu’n eh. That night, I was with Shan. Kwentuhan lang kami sa garahe. Si Shan inom, samantalang ako ang bangka sa kwento! Kwento siya ng buhay may asawa. At buhay ng asawa niya. Napag-usapan namin si Jan. Si Jan, may itsura. Matangkad, balingkinitan ang katawan, gwapo, Antonio Aquitania ang dating! Bida lagi sa chicks. Gusto niya lahat ny chicks kanya. Pero nung gabing yun sa di inaasahang pagkakataon ay biglang dumating. Nakasambakol ang mukha. Abot hanggang lupa ang simangot. Panay ang iling. Panay ang buntong-hininga. Sa unang tingin pa lang, masasabi ko na kung ano ang pinuputok ng butsi niya! Ako pa! Sus!

Yun na nga! Pinakiusapang ako ni Shan kung pwede ko daw ba utusan yung katulong namin na bumili pa ng beer. Malaki nga raw kasi ang problema ni Jan. So, para nga matapos na ang lahat at mabunutan na ng tinik ang damdamin ng kulaspog na Jan na yun ay inutusan ko na katulong namin na bumili pa ng anim na lite.

Eto na nga ang kapanapanabik na eksena! Sa tinagal-tagal ko sa pakikipagkaibigan, masasabi ko na wala akong pinipili na kasarian. Mapa-bakla, tomboy pa kausap ko wala akong pakealam. Basta ako, one-of-the-boys! Yun lang yun!

Pero sa usapan nila at sa pinuputok ng butsi ni Jan, masasabi kong may matindi siyang igting sa mga babae! Eh gagu pala talaga yun eh! Nabusted lang, igeneralize daw ba na lahat ng babae paaasahin lang silang kalalakihan! Sus!

So habang tumatagay ang mga asungot, tinanong ni Shan kung pwede ko daw ba sila hulaan. Eh di ako naman, nilabas ko baraha ko. Katok, Balasa, Cut! Yan! Hulaan na! Pagkatapos ng hulaan, soundtrip at ako naman tamang computer lang. Di pa naglaon, tinawag ako ni Shan, ang CORNY ko daw! Jusko! Para ano na pakikinggan ko kwentuhan nila, eh tungkol sa babe yun at di lang yun, kung paanong pinasasakay ng babae silang mga lalaki. E sa mukha ni Jan, parang ayaw ko siya intindihin kaya napag-isipan ko na sige na’t pakinggan na lang hinaing nila… Eto na nga:

“GRABE!!!”

Usapang Lalake
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto.
Nagmumuni-muni.
Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano.
Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap natin e.
Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya.
Tingin mo?

*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila.
Alam kaya nila yun?
Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten.
Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.
Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na.
Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.
At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila.
Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila.
Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asin’g buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila.
Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi.
“Hindi pa ‘ko   ready   eh..”, “Sorry pero I think we should just be friends”, “Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..”, “Better luck next time na lang muna, okay lang?”, “Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”, “Para lang kitang kapatid e..”, yaddah yaddah.
Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon.
Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.
Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon.
Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo, tayo.
Sila? Ummm… Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan.
Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon.
Pag maganda, edi okay.
Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay.
Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila.
Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang.
Seryoso.
At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan.
Mas mature.
Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos,
iyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa.
Hindi lang kababawan.
Ka-mushyhan. Kababaihan.
Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna.
Bad trip no?
Wala na naman tayong choice.
Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don?
Syempre wasak na ang imahe naten.
Tayo ang lalabas na may kasalanan.
Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.
Ang ending: mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-
ibig, “player” na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay.
Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay.
Ang hirap maging lalake.
Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano?
Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi.
Bubuntong-buntong hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni.
Lalagok-lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.

>>> Napakahirap naman ng katayuan ko na toh! *sighs* Lahat na lang iaabsorb ko! Di bale, I’ll post whatever it is na magiging outcome ng usapan na yan! Magawan ko kaya ng paraan na kahit papaano eh makilala nila at malaman ang tunay na damdamin at nararamdaman naming mga babae?

Advertisements

24 Comments»

  andianka wrote @

nyahahaha 😀 same aura pala naging gabi natin… im one-of-the-boys din. well i used to be. nag-lay low ako. whatever! minsan talaga pag nasaktan, mapababae o lalaki they can be both one sided to compliment with their own emotions. sana nga mgawan mo ng way para maintindihan din nila. pero tsaka na… pag malamig na sitwasyon. haha! good luck! 😀

  geexie wrote @

hayyy… ang mga lalaki talaga… tsk tsk ;p

  mats wrote @

ANKA > okay na sana kwentuhan di ba!? Kaya lang, sowsss!!!
Kung maintindihan pa nila… 😦

  mats wrote @

sis Gee > BOYS talaga! *sighs*

  mica wrote @

pansin ko lang ate lagi ikaw ang absorber ah hehe

  kronprinsesse wrote @

sa una lng sila nahihirapan hmfff sa huli tau tal0.. kasi some of them cant trust tlga.. mga unfaithful!

  mats wrote @

Mics > Oo nga eh! Lagi na lang akong ABSORBER! Cotton daw eh…
😦 Haha

  mats wrote @

Jen > Correct ka jan! Guys pa, they’re great pretenders! Kunwari nasasaktan, but in truth marami RESERVES… hmfff!

  kronprinsesse wrote @

k0rek! galing tlga umarte ng mga guyz na sila ang naaapi hmffff
nde mu lng alam, dami nililigawan nyan nde lng ikaw, ak0 or tau hehehe! g0sh like what happened samin ng mga friends q remember te?

  mats wrote @

Like you know who? Right! May naalala lang ako sa kwento mo sa kin before… Hmf!

Guys are so pathetic…

  kronprinsesse wrote @

ung ng friend q na si bebs, na ex q, na bf naman n0w ng one of my bestfriend.. ay grabe tlga!! ung iba tlga kapal face.. magkakaibigan pa pinaglalaruan!

  mats wrote @

Gawsh! Guys like that deserves something! Kung magpalit ng gf akala mo, underwear lang! Grrr!!

  kronprinsesse wrote @

yeah, kea its really hard to trust the guyz.. bilang na bilang lng tlga ang mga matitin0.

  mats wrote @

Sila, it’s hard for them to trust “us” girls – when in truth tayo dapat ang di nagtitiwala sa kanila.. They’re all but PLAYERS.. Hmf!

  kronprinsesse wrote @

Players, Pretenders, Users, Duhhh lahat na!

  mats wrote @

Guys are so PATHETIC!!! They all (or not all) should go to hell! Hahaha! Jowk! Affected na naman ako, may naalala kasi eh! Grrr!

  kronprinsesse wrote @

ac0 din may naalala hehehe makakarma din xa, GO TO HELL! hmmm except for one person ahihihihi

  mats wrote @

Yup! One person who’s WAITING TO BE LOVED BY YOU! 😉
Naxx kinilig ako ulit! *kilig mode*

  kronprinsesse wrote @

I love him naman eh.. weeee kas0 parang i dont want to expect muna… ang hirap din kasi mag wait ng mag wait sa ta0ng nde mu lam kung kelam paparamdam ulit.. hehehe

  kronprinsesse wrote @

WAITING TO BE LOVED MY YOU

  kronprinsesse wrote @

WAITING TO BE LOVED BY YOU? di ba s0ng un hehe

  mats wrote @

Ouch! 😦
It’s hard talaga…
But… 😐
Basta, Goodluck sa inyo sis! 😉
Mwaahz!!

  mica wrote @

hahaha naaala ko naman talaga yung commercial nung early 90’s na cotton na inaabsorb yung water wehehe

pwede din spongemats hehe

  mats wrote @

Oo! Correct, yun ngang commercial na yun! *lolx*

Spongemats (Bagay pala kami ng Spongecola!)
Spongecola + Mats = SpongeMats! *lolx*


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: